Buwan ng Wika

Ang Pasig Catholic College ay naki-isa sa pagdiriwang ng taunang paggunita sa Buwan ng Wika nitong Agosto na may temang, “Filipino: Wika ng Saliksik.

Bilang isang Pilipino, nararapat na maunawaan ang kahalagahan ng sariling wika lalo na sa panahon kung saan maraming Pilipino ang matatagpuan sa ibang bansa. Ang wika ay ginagamit sa pakikipag-komunikasyon at nagpapakita ng pagkakabuklod ng ating lahi, Isa sa mga dapat na ipagmalaki bilang isang mamamayan ng Pilipinas.

Ang departamento ng kolehiyo sa pamumuno ng Dekana, Gng. Leonora D. Fernandez at ng konseho ng Edukasyon ay matagumpay na nakilahok sa nasabing selebrasyon. Nagkaroon ng iba’t ibang patimpalak ang kolehiyo tulad ng Bihis Lahi, kung saan nagpresenta ang bawat konseho ng iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas at Himig Guhit na nagpakita ng talento sa pagguhit kaugnay sa pagiging isang Pilipino. Ito ay naging daan din upang maalala ng mga mag-aaral ang iba’t ibang kultura at tradisyon ng bawat rehiyon na kalahok.

This slideshow requires JavaScript.

Tulad ng sinabi ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal, “ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang isda.” Nararapat lamang na mahalin, igalang at ipagmalaki ang wikang Filipino. Ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika ay isang  pagbabalik tanaw sa kasaysayan. Ito ay patuloy na nag-iiwan ng aral na matutong gamitin ng tama ang wika, mahalin ang sariling atin at maging magandang ehemplo sa mga susunod pa na henerasyon.

Comments are closed.